BMIM sa FB

Monday, November 18, 2013

BMIM: Ang Ikawalong Sabak / 11.16.2013

Maraming Salamat:

Kay Allen Yuarata (sana nag-enjoy ka nu'ng sabak, adreng Allen) at sa iba pang mga bloggers at kababayan nating patuloy pa ang pakikipagkarera at pagsusumikap sa Canada ngayon, sila na naging pangunahing sponsor ng Ikawalong Sabak. Malayo man kayo ngayon sa Pilipinas, salamat at hindi kayo nakakalimot sa pagtulong sa mga kababayan natin. Sana kaagapay pa rin namin kayo sa mga susunod pang sabak. Ingat po kayong lahat diyan.

Kay Angela Martinez, na naging contact ng BMIM para makapagsagawa tayo ng sabak sa Baseco Compound, Tondo, Manila. Solb na solb po 'yung ginawa ni'yong pag-asikaso sa amin, kasama na rin 'yung mga taong pinaki-usapan ni'yo na tulungan kami sa paghahanda nu'ng venue at pagkain nu'ng mga bata. Alam naming kailangan ng Baseco ang marami pang katulad ninyo. Mabuhay po kayo.

Tsaka kay Bb. Kat ng grupong Pinoy Bloggers OutreachSinalo mo sina Madz at Ser Joleah sa storytelling. Napakahusay ng ipinakita mo sa pagkukuwento kaya tiyak naming doon pa lang eh tuwang-tuwa na 'yung mga bata. Salamat sa pagdalo mo sa 8th sabak. Aasahan namin ang muling pagsuporta ng grupo ni'yo sa mga susunod pa.

At sa lahat ng mga ka-BMIM at mga kaibigan nating ayaw na nga talaga yatang magsawa sa patuloy na pagbibigay ng tulong, suporta, at panalangin sa bawat pagsabak ng grupo. Kung wala kayo, wala rin kami. Marami pa 'to kaya sana nariyan pa rin kayo. Mabuhay kayong lahat.

~

Mula sa lahat ng bumubuo ng Blog Mo, Ipasuot Mo, 'eto na po ang Ikawalong Sabak.



~

Pagpalain pa nawa kayong lahat dahil sa kabutihang-loob ninyo sa kapwa, lalung-lalo na sa mga bata. Hanggang sa muli!

- JH

Sunday, October 13, 2013

BMIM's Ikawalong Sabak Poster


kita-kits po.. PARA SA MGA BATA!

~
maraming salamat, Abbie, sa isa na namang astig na poster na 'to para sa next sabak ng grupo..
- JH

Tuesday, July 30, 2013

BMIM: Ikapitong Sabak



July 20, 2013
San Martin De Porres
ParaƱaque City

Kung siguro isang virus ang BMIM, masasabing marami na ang infected nito. Sa ikapitong sabak kasi, alam na namin na maraming bata ang makakasalamuha namin sa araw na iyon. Ang hindi namin inasahan ay ang pagbuhos ng mga indibidwal na handang makigulo at maranasanan kung ano nga ba ang 'sabak'.
 
Pagdating pa lamang sa venue, nagkanya-kanya na. Kanya-kanyang kilos sa kung ano ba ang kailangang gawin. Mayroong nakihalubilo sa mga bata, nagbigay buhay sa isang kwento, naghanda at namigay ng pagkain, naghandog ng mga regalo at kung anu-ano pa kung saan kinailangan ang kanilang lakas. Automatic na ang gagawin ng bawat isa, sabak kung sabak.




Walang oras ang sinayang ng bawat miyembro mabigyan lamang ng kasiyahan ang mga batang nasa kanilang harapan. Buong umaga na maingay, magulo at malakas na tawanan ang maririnig sa bahaging iyon ng ParaƱaque. Parang fiesta, fiesta na para lang sa kanila. :)



Natapos ang sabak na hindi lang ang mga bata ang nakangiti, pati na rin ang bawat indibidwal na naging bahagi nito. Sulit ang pagod. Sarap umulit!





Nagpapasalamat ang BMIM sa lahat ng sumusuporta at patuloy na naniniwala sa hangarin ng grupo. Sa Rotaract San Pedro East na nagbigay ng school supplies, sa Pinoy Bloggers Outreach (PBO) members at sa lahat ng blogger na nagbahagi ng t-shirt at pagkain para sa mga bata, sana sa mga susunod na sabak ay nandiyan pa rin kayo para makisaya, makigulo at maging bahagi ng gawaing ito. Hangga't may bata, may BMIM! Cheers!


 -Madz




Photo Credits: 

AXL 

Monday, July 22, 2013

Yeah Men! Isang taon na kami.... - Anibersaryong Sabak ng BMIM

Hindi ko alam kung makailang beses ko ng sinabing unti-unti ng dumadami ang grupo. Ang unang 4 na umatend ng meeting bago ang unang sabak ay nasundan ng pito, hanggang naging siyam at dumami pa ng dumami. Kumbaga sa sakit para kaming ketong na nagkahawaan at kumbaga sa balita daig pa namin ang unang balita sa buhay ni Kris Aquino tungkol sa lablife niya. Pero biro lang. Syempre may cyber crime na at baka mabaril nalang kami kung ano pa ang sasabihin ko dito.

Isang taon mula nung unang sabak namin sa Pandacan. Ang totoo para kaming mga batang musmos na hindi alam ang gagawin. Ang alam lang namin magbigay ng t-shirt. Walang plano. Buti nalang at kahit papano'y kumain kami ng umagahan nun dahilan para magkaroon kami ng kahit konting kapal ng mukha. Si Joleah ang nagtawag ng mga bata. Iilang lang ang lumapit. Siguro akala nila grupo kami ng sindikato ng kukunin sila at ibebenta ang lamang loob sa China para gawing siopao. Sabagay, andun ako. Mukha pa naman akong adik.

Hanggang konting pilit pa sa kanila at naging panatag na sila samin at ganon 'din kami sa kanila. Nagkaroon ng konting palaro, kainan, tawanan, harutan. At nung mga oras na 'yon, naramdaman naming masarap maging bata muli.

JayPee
Makalipas ang isang taon. Ito na! Sumabak na kami. Sa tulong ng Project Burger sumabak kami sa Pulong Paraiso (na dati daw ay pugad ng mga masasamang loob kaya medyo natakot kami ng very very light, Pulong Diablo ata ang tawag 'don), San Jose Bulacan. Medyo madami ang sumama nun. Kaya nakakatuwa 'din. Kakaibang karanasan 'din ang nangyari samin nun. Andaming nangyari. Natuto kami kung paano magluto ng pansit (o ako lang ang natuto), sumakay sa pick-up van habang nagbabalance kasi kailangan kumuha ng magandang angulo at natuto kami na wag maglagay ng wax / gel sa buhok kapag sasakay sa pick up van dahil ang hirap ayusin. Malagkit sa kamay.

Medyo nakakapagod kasi medyo malayo ang lugar na pinagsabakan. Naglakad pa kami ng mga 500 metro at tumawid sa tulay. Pero pagdating sa lugar, soya naman ang lahat. Ramdam namin na tanggap kami ng mga tao. Iba ang inaasahan namin sa naabutan namin. Tahimik na mga bata, chillax na mga magulang na nagmamasid lang samin at mga taong tumutulong kapag may kailangan kami. Nakakatuwa. Nakakataba ng puso.





Ilan ito sa mga kaganapan nung araw na 'yon..

Maraming salamat Project Burger..


Gaya ng lagi kong sinasabi, hindi pa ito ang huli. Nagsisimula palang kami...

Ito ang ilan sa mga nakiisa..


Maraming Salamat guys...

-- JayPee

Gusto mo makiisa? Pindot na!!

https://www.facebook.com/blogmoipasuotmo

https://www.facebook.com/groups/blogmoipasuotmo/

http://blogmoipasuotmo.blogspot.com/