BMIM sa FB

Sunday, December 23, 2012

BMIM sa Ikalimang Sabak - Pamaskong Handog

Bata palang ako lagi ng sinasabi ng nanay ko sakin na magpakabuti at maging masunuring bata lalo na kapag papalapit na ang pasko. Sa ganitong paraan daw kasi sinusukat ni Santa Claus ang bibigyan niya ng mga magagandang laruan. Kasama ang mga kaibigan niyang Reindeer, iniisa-isa nila ang mga bata para patago nilang aakyatin ang kanilang bahay at doon iiwan ang mga laruan na hiniling nila sa ilalim ng Christmas Tree. Natatandaan ko pa nga 'yung minsan tinanong ko sa nanay ko na: "Paano kung walang christmas tree?" at hanggang ngayon hindi pa 'din niya ako sinasagot.

"Give love on Christmas day",  "Ang pasko ay para sa mga bata", "It's better to give than to receive" at kung ano-ano pang tagline ang nauuso kapag pasko. Parang kakambal na talaga ata natin 'to. Hindi kumpleto ang pasko kapag walang ganitong mga tagline. Pagpasok palang ng "ber" months ay samot-sari ng ganito ang maririnig mo. Sa mga mall, kalye, school at iba pa. 'Yung iba ginagamit ito para sa kanilang business, marketing strategy kumbaga at 'yung iba sadyang nagpaparinig lang. Ha! Ewan! Hindi ko alam. Basta ako ang alam ko, ang pasko ay panahon para magpakabusog, wag isipin ang diet-diet na 'yan. Kumain ng marami. At ang pasko ay para sa mga bata at matatanda. Panahon ng bigayan at panahon para kalimutan kahit saglit ang problema. Enjoy guys! Enjoy lang ang christmas.

At ito na nga! Naganap na. Sa ikalimang pagkakataon ay sumabak ulit kami.


Sa Francisco Homes Brgy. Mulawin San Del Monte Bulacan dito naganap ang ikalimang sabak. Ang unang plano ng grupo na lumabas sa Metro Manila at nangyari na. Sa Bulacan namin unang sinabak ang totoong layunin ng grupo. Kasama ang ilan nating kaibigan, mga bata na nakiisa at aming sandatang tshirt na aming ipapamahagi. 

Hindi biro ang sabak na 'to. Maraming naging aberya bago magsimula ang sabak. May isang matandang lalaking nambabato samin. Dahil nga 'don muntikan na naming itigil o kaya lumipat ng lugar. Pero hindi kami nagpatinag. Nagsisimula palang kami. Ilang larong mula sa kaibigan natin, ilang minutong kulitan at saya. Nakakataba ng puso. 

Ito ang ilang mga batang nakiisa at nabahagian ng tshirt:





Ilang beses na namin sinabi 'to. Hindi pa ito ang huling sabak.

Maligayang Kapaskuhan sa inyo guys!