"Give love on Christmas day", "Ang pasko ay para sa mga bata", "It's better to give than to receive" at kung ano-ano pang tagline ang nauuso kapag pasko. Parang kakambal na talaga ata natin 'to. Hindi kumpleto ang pasko kapag walang ganitong mga tagline. Pagpasok palang ng "ber" months ay samot-sari ng ganito ang maririnig mo. Sa mga mall, kalye, school at iba pa. 'Yung iba ginagamit ito para sa kanilang business, marketing strategy kumbaga at 'yung iba sadyang nagpaparinig lang. Ha! Ewan! Hindi ko alam. Basta ako ang alam ko, ang pasko ay panahon para magpakabusog, wag isipin ang diet-diet na 'yan. Kumain ng marami. At ang pasko ay para sa mga bata at matatanda. Panahon ng bigayan at panahon para kalimutan kahit saglit ang problema. Enjoy guys! Enjoy lang ang christmas.
At ito na nga! Naganap na. Sa ikalimang pagkakataon ay sumabak ulit kami.
Sa Francisco Homes Brgy. Mulawin San Del Monte Bulacan dito naganap ang ikalimang sabak. Ang unang plano ng grupo na lumabas sa Metro Manila at nangyari na. Sa Bulacan namin unang sinabak ang totoong layunin ng grupo. Kasama ang ilan nating kaibigan, mga bata na nakiisa at aming sandatang tshirt na aming ipapamahagi.
Hindi biro ang sabak na 'to. Maraming naging aberya bago magsimula ang sabak. May isang matandang lalaking nambabato samin. Dahil nga 'don muntikan na naming itigil o kaya lumipat ng lugar. Pero hindi kami nagpatinag. Nagsisimula palang kami. Ilang larong mula sa kaibigan natin, ilang minutong kulitan at saya. Nakakataba ng puso.
Ito ang ilang mga batang nakiisa at nabahagian ng tshirt:
Ilang beses na namin sinabi 'to. Hindi pa ito ang huling sabak.
Maligayang Kapaskuhan sa inyo guys!
- JayPee
sa limang sabak, humigit-kumulang 250 na mga kidaks na ang napasaya ng grupo.. sana mas lumaki at magtuluy-tuloy pa..
ReplyDeletei always admire what you do, masaya akong malaman na sa ibat ibang lugar dito sa pilipinas marami na ring nagbibigay para mapasaya ang mga bata. you can also see it ours sa cagayan de oro city naman, sa street tutorial naman kami. sana if makapunta kayo dito, u can also visit out tutorial every mon and wed 7-8pm only. happy new year po sa inyong lahat!!!
ReplyDeleteHello kelan ang next project ne'to? I want to donate :)
ReplyDeleteadre, paki-check na lang po yung sa "about the project" na tab dito kung paano mo makakapag-ambag.. pero kung mas prefer mo rekta na lang, eto po yung fb ng treasurer namin, si joleah:
Deletehttps://www.facebook.com/CLnishi
salamat po..
Hi sir archie. Parang nameet na ata kita sa SBA? Tama po ba? Uhm sa February po ang next project namin. Pwede po kayo magdeposit sa account sa info or itext nyo po ako sa 09053165077. Salamat po sa pagpansin sa project. Sana po makasama din kayo ng personal. Godbless po. :)
Delete