July 20, 2013
San Martin De Porres
ParaƱaque City
Kung siguro isang virus ang BMIM,
masasabing marami na ang infected nito. Sa ikapitong sabak kasi, alam na namin na maraming bata ang makakasalamuha namin sa araw na iyon. Ang hindi namin
inasahan ay ang pagbuhos ng mga indibidwal na handang makigulo at maranasanan
kung ano nga ba ang 'sabak'.
Pagdating pa lamang sa venue,
nagkanya-kanya na. Kanya-kanyang kilos sa kung ano ba ang kailangang gawin. Mayroong nakihalubilo sa mga bata, nagbigay buhay
sa isang kwento, naghanda at namigay ng pagkain, naghandog ng mga regalo at
kung anu-ano pa kung saan kinailangan ang kanilang lakas. Automatic na ang gagawin ng bawat isa, sabak kung sabak.
Walang oras ang sinayang ng bawat miyembro mabigyan lamang ng kasiyahan ang mga batang nasa kanilang harapan. Buong umaga na maingay, magulo at malakas na tawanan ang maririnig sa bahaging iyon ng ParaƱaque. Parang fiesta, fiesta na para lang sa kanila. :)
Natapos ang sabak na hindi lang
ang mga bata ang nakangiti, pati na rin ang bawat indibidwal na naging bahagi
nito. Sulit ang pagod. Sarap umulit!
Nagpapasalamat ang BMIM sa lahat
ng sumusuporta at patuloy na naniniwala sa hangarin ng grupo. Sa Rotaract San Pedro East na nagbigay ng school supplies, sa Pinoy Bloggers Outreach (PBO) members at sa lahat ng blogger na nagbahagi ng t-shirt at pagkain para sa mga bata, sana sa mga susunod na sabak ay nandiyan pa rin kayo para makisaya, makigulo at maging bahagi ng gawaing ito. Hangga't may bata, may BMIM! Cheers!
-Madz
Photo Credits: