BMIM sa FB

Monday, July 22, 2013

Yeah Men! Isang taon na kami.... - Anibersaryong Sabak ng BMIM

Hindi ko alam kung makailang beses ko ng sinabing unti-unti ng dumadami ang grupo. Ang unang 4 na umatend ng meeting bago ang unang sabak ay nasundan ng pito, hanggang naging siyam at dumami pa ng dumami. Kumbaga sa sakit para kaming ketong na nagkahawaan at kumbaga sa balita daig pa namin ang unang balita sa buhay ni Kris Aquino tungkol sa lablife niya. Pero biro lang. Syempre may cyber crime na at baka mabaril nalang kami kung ano pa ang sasabihin ko dito.

Isang taon mula nung unang sabak namin sa Pandacan. Ang totoo para kaming mga batang musmos na hindi alam ang gagawin. Ang alam lang namin magbigay ng t-shirt. Walang plano. Buti nalang at kahit papano'y kumain kami ng umagahan nun dahilan para magkaroon kami ng kahit konting kapal ng mukha. Si Joleah ang nagtawag ng mga bata. Iilang lang ang lumapit. Siguro akala nila grupo kami ng sindikato ng kukunin sila at ibebenta ang lamang loob sa China para gawing siopao. Sabagay, andun ako. Mukha pa naman akong adik.

Hanggang konting pilit pa sa kanila at naging panatag na sila samin at ganon 'din kami sa kanila. Nagkaroon ng konting palaro, kainan, tawanan, harutan. At nung mga oras na 'yon, naramdaman naming masarap maging bata muli.

JayPee
Makalipas ang isang taon. Ito na! Sumabak na kami. Sa tulong ng Project Burger sumabak kami sa Pulong Paraiso (na dati daw ay pugad ng mga masasamang loob kaya medyo natakot kami ng very very light, Pulong Diablo ata ang tawag 'don), San Jose Bulacan. Medyo madami ang sumama nun. Kaya nakakatuwa 'din. Kakaibang karanasan 'din ang nangyari samin nun. Andaming nangyari. Natuto kami kung paano magluto ng pansit (o ako lang ang natuto), sumakay sa pick-up van habang nagbabalance kasi kailangan kumuha ng magandang angulo at natuto kami na wag maglagay ng wax / gel sa buhok kapag sasakay sa pick up van dahil ang hirap ayusin. Malagkit sa kamay.

Medyo nakakapagod kasi medyo malayo ang lugar na pinagsabakan. Naglakad pa kami ng mga 500 metro at tumawid sa tulay. Pero pagdating sa lugar, soya naman ang lahat. Ramdam namin na tanggap kami ng mga tao. Iba ang inaasahan namin sa naabutan namin. Tahimik na mga bata, chillax na mga magulang na nagmamasid lang samin at mga taong tumutulong kapag may kailangan kami. Nakakatuwa. Nakakataba ng puso.





Ilan ito sa mga kaganapan nung araw na 'yon..

Maraming salamat Project Burger..


Gaya ng lagi kong sinasabi, hindi pa ito ang huli. Nagsisimula palang kami...

Ito ang ilan sa mga nakiisa..


Maraming Salamat guys...

-- JayPee

Gusto mo makiisa? Pindot na!!

https://www.facebook.com/blogmoipasuotmo

https://www.facebook.com/groups/blogmoipasuotmo/

http://blogmoipasuotmo.blogspot.com/

4 comments:

  1. Yey! Sarap sa pakiramdam na mapangiti ang mga bata. Sana nakasama ako dito... pero okay lang nakasama naman ako sa ika-pitong sabak.

    Pahabol na lang ng bati, tutal late na pagka-post ng anniversary post... lol. Congrats sa bumubuo ng BMIM! Sana lumawak at lumago pa ang samahang ito.

    ReplyDelete
  2. Sayang, hindi ako nakasama sa anniversary sabak niyo... Ans saya pa naman!

    Mabuhay kayo BMIMers!

    ReplyDelete
  3. bukod sa kasiyahang dala ng naka-isang taon na ang BMIM, ito rin 'yung first time ng grupo na sumabak sa medyo malayong lugar.. sana mas lumayo pa.. hehehe

    ReplyDelete