BMIM sa FB

Monday, November 18, 2013

BMIM: Ang Ikawalong Sabak / 11.16.2013

Maraming Salamat:

Kay Allen Yuarata (sana nag-enjoy ka nu'ng sabak, adreng Allen) at sa iba pang mga bloggers at kababayan nating patuloy pa ang pakikipagkarera at pagsusumikap sa Canada ngayon, sila na naging pangunahing sponsor ng Ikawalong Sabak. Malayo man kayo ngayon sa Pilipinas, salamat at hindi kayo nakakalimot sa pagtulong sa mga kababayan natin. Sana kaagapay pa rin namin kayo sa mga susunod pang sabak. Ingat po kayong lahat diyan.

Kay Angela Martinez, na naging contact ng BMIM para makapagsagawa tayo ng sabak sa Baseco Compound, Tondo, Manila. Solb na solb po 'yung ginawa ni'yong pag-asikaso sa amin, kasama na rin 'yung mga taong pinaki-usapan ni'yo na tulungan kami sa paghahanda nu'ng venue at pagkain nu'ng mga bata. Alam naming kailangan ng Baseco ang marami pang katulad ninyo. Mabuhay po kayo.

Tsaka kay Bb. Kat ng grupong Pinoy Bloggers OutreachSinalo mo sina Madz at Ser Joleah sa storytelling. Napakahusay ng ipinakita mo sa pagkukuwento kaya tiyak naming doon pa lang eh tuwang-tuwa na 'yung mga bata. Salamat sa pagdalo mo sa 8th sabak. Aasahan namin ang muling pagsuporta ng grupo ni'yo sa mga susunod pa.

At sa lahat ng mga ka-BMIM at mga kaibigan nating ayaw na nga talaga yatang magsawa sa patuloy na pagbibigay ng tulong, suporta, at panalangin sa bawat pagsabak ng grupo. Kung wala kayo, wala rin kami. Marami pa 'to kaya sana nariyan pa rin kayo. Mabuhay kayong lahat.

~

Mula sa lahat ng bumubuo ng Blog Mo, Ipasuot Mo, 'eto na po ang Ikawalong Sabak.



~

Pagpalain pa nawa kayong lahat dahil sa kabutihang-loob ninyo sa kapwa, lalung-lalo na sa mga bata. Hanggang sa muli!

- JH

1 comment:

  1. Yey! Salamat din sa pag-invite sakin :D Kahit maysakit ako, parang nawala lang sya nung kasama ko na yung mga bata at nakita kong nag-eenjoy sila. Sana makasama at mas makatulong pa ko nang bonggang-bongga sa mga susunod na mga sabak. Thank you! Thank you!

    ReplyDelete