Bilang paghahanda sa ikalawang pagsabak ng Blog Mo Ipasuot Mo Project ay nagkita-kitang muli kami para pag-usapan ang mga kailangang gawin at mga dapat asahan sa araw ng sabak. Sabado at mahal na araw, gaya ng dati ay huli na naman ang inyong likod na dumating. Nakarating ang lahat ng nagsabing makapupunta. Naroon si Joleah, Lovely, Kimio, at Julyan. Sabay kaming dumating ni Jesse(JH Alms). Naging magaan naman ang usapan, sa sobrang gaan parang nagkulitan lang kami.
Ang mga napagkasunduan ay ang mga sumusunod.
Petsa ng Ikalawang Sabak: April 21, 2012 Saturday 8:30am
Lugar na Pagdarausan: Araneta Ave. QC
Tagpuan: SM Sta.Mesa 8:00am onwards (since sarado pa yung mall ng ganun kaaga, sa may entrance na lang tayo maghintayan, maluwag naman dun eh)
PROGRAMME
- Gathering ng mga sasama sa project (pwede ulet sumama kahit walang ambag, pwede naman tumulong sa manpower)
- Gathering ng Kids sa lugar (sa Araneta Ave. may hall dun na pwedeng paipunan ng mga bata)
- Order ng food - depende sa dami ng bata pero maximum na yung 50 kids dahil yun yung estimated number ng shirts)
- Opening Remarks / Inspirational Talk
- Games with prizes
- Distribution of Shirts
- Eating Time
- Picture Taking
ILANG EKSENA SA PULONG
Nakakatuwang isipin na dumarami ang interesado sa proyektong dati'y akala namin ay magiging pangsariling gawain lamang. Nagiging kapanapanabik na ang bawat sabak namin sa proyektong ito. Balita ko nga marami-rami na ang dadalo. Marami na ang nagnanais makapagpaligaya ng mga bata sa kahit ilang oras lamang. Nakakatuwa at nakakagalak. Masaya na, nakapagpasaya ka pa. Tapos magkakaroon ka pa ng mga bagong kaibigan. Ang saya di ba? Edi, papaano na? Kitakits na lang! Sana makadalo ka rin.
MGA LARAWAN
ahh eto pala yung sinasabi ni ate madz. wee.. gusto ko jumoin :)
ReplyDelete