BMIM sa FB

Monday, February 11, 2013

BMIM Anniversary Sabak - Meeting Update

Pakibasaaaaaa!

BMIM meeting updates para sa Anniversary Sabak (Pang-anim na to, yahoo!)

Date: March 2, 2013, Saturday, 8am onwards as usual
** magleave na yung may pasok ng sabado at magpaalam na sa mga strikto ang magulang

Place: Kabundukan ng Norzagaray, Bulacan (hinihintay ko pa yung complete address ng lugar)

Meeting place: Jollibee sa labas/tapat ng SM fairview

Target # of kids: 80

Dadalhin: sarili, pamasahe, lakas at kapangyarihan, pasensya, bimpo, camera kung gusto, tubig

Please read on! May mga bago kasi tayong pakulo since anniversary sabak na natin. Yey!

Ang plano eh magkakaroon tayo ng Common Shirt katulad ng sabak na sponsored ng SGBloggers before. O diba, antaray, uniformed!

So, anong requirements para magkaroon ng shirt?

Magaambag ka ng 300php.
Sa 300 na yun, may tshirt ka na, kasama pa yung tulong mong limang tshirt para sa lima pang mga bata.

Anong itsura ng tshirt?
Ganito, sa harap yung BMIM logo tas sa likod ay ang logo ng mga bloggers na magaambag at syempre yung mga pioneer na.

Pano maibibigay yung logo ng blog ko?
Pakisend po sa email ko
iamjoleah@yahoo.com

Kelan ang deadline?
Ang deadline ng pagpasa ng logo at ng payment ay sa February 24.

Pano magbabayad?
Pwede nyo kong imeet at kontakin sa 09068144527
O kaya ay ideposit sa bank account ng BMIM na nasa info sa blogspot ng BMIM.

Pwede bang magambag at sumali kayt di makapunta sa event?
Oo, pwedeng pwede.
Papadala na lang namin yung tshirt mo sa kayt panong paraan.

Pwede bang sumama sa event kayt walang ambag?
Oo naman! Manpower yan. Yun lang, di siguradong may tshirt ka pag di ka nagbayad at nagpasa ng logo mo.

Maaari lamang na magkomento dito sa post na ito yung mga siguradong makakasama at makakapagambag para mabilang natin yung number ng participants.

Pano yung mga pagkain ng mga bata?
Sa mismong venue na magaambagan para dyan sa pagkain. Kasi usually dun tayo nagluluto para tipid.

In case na lumampas sa bilang yung mga bloggers na sasali at magaambag, pwede natin imaximize yung number ng target kids o kaya ay ireserba para sa mga susunod pang mga sabak.

Ayan. Naeexcite na ko! Ikaw ba?
Kung may tanong pa, i-message lang ako. O kaya itext sa pinost kong number sa itaas.

Kita kits! Para sa mga kidaks! ^^


- Joleah
www.blogmoipasuotmo.tk

5 comments:

  1. pano po ang method para mag-contribute?

    ReplyDelete
    Replies
    1. check niyo po sa "About The Project" tab o kaya kontakin mo si joleah (tagapangalaga ng pondo) sa numerong ito: 09068144527

      salamat po sa interes na makatulong..

      Delete
  2. gudlak po sa inyong anniversary event... we look forward to have a joint project wit you.... same cause din nmn...

    ReplyDelete