BMIM sa FB

Monday, January 9, 2012

Nagkaroon ng isa pang pagkikita-kita noong ika-24 ng Disyembre taong 2011 sa parehong lugar(SM San Lazaro) para maka-usap ang iba pang tao na interesado sa proyekto. Isa lamang ang dumating(maliban sa amin ni Jesse).
Si Joleah. Nauna siyang dumating sa amin kaya naghintay siya ng mga limang minuto siguro sa Pambansang Tinadahan ng Aklat(National Bookstore). Noong una ay hindi namin alam kung paano siya lalapitan dahil sa totoo lang ay hindi naman talaga kami magkakakilala. Nag-aalangan rin kami dahil pareho yata kaming takot sa ibang tao ni Jesse. Mabuti na lamang at hindi mahirap kausapin itong si Joleah.

Dahil nahiya naman kami ni Jesse sa pinaghintay naming binibini, inalok muna namin siyang kumain(para na rin magkaroon kami ng lugar para makapag-usap. Sa isang sulok ng isang kainan sa  sulok ng mall kami napadpad. Habang bumibili si Jesse ng aming kakainin ay Kinilala ko muna ang binibini na interesado sa proyekto. Nalaman ko na isa pala siyang guro na nagtuturo ng ingles. Masayahin at may mabuting puso? Hehe..
Ok, tama na muna ang pambobola kay Joleah. Sa naganap na pag-uusap ay sinagot namin ang mga tanong niya tungkol sa proyekto (na nailathala na noon bilang anunsyo). Napag-usapan rin ang tungkol sa lugar o institusyon na pagdadalhan ng mga damit. Nasabi namin sa kanya na balak sana naming isabay na lamang sa ibang mas malaking proyekto ang unang sabak dahil nga medyo maliit pa ang pondo at medyo nalalabuan pa kami sa ibang bloggers kung totoo bang nais nilang makiisa. Sumang-ayon naman siya at nagbigay ng kanyang suhestiyon.
Sinabi niya na mayroon palang nagaganap na proyekto ang kanilang Church na nagpapakain sa mga batang lansangan na naglalagi sa isang pook sa Pandacan. Sinabi niyang tatanungin niya ang mga kawani ng nasabing grupo kung maari tayong makisakay o makiisa na rin sa layunin. Hindi kalakihan ang proyektong ito, pero sigurado.

Isa pang sa maaring sabayan ay ang proyektong ginagawa ni Bb. Essa (Project Burger) at kanyang mga kapanalig. Ngunit sa di inaasahang kaganapan ay matatagalan pa ang muling pagsabak ng kanyang proyekto. Nag-alok ri siya ng mga maari pang sabayang proyekto ngunit kung hindi masyadong maaga, masyado namang matagal.

ANG SUSUNOD AY MGA PUNTO O PAKSANG KAILANGAN NINYONG MALAMAN TUNGKOL SA PROYEKTO.
  • ANO: BLOG MO IPASUOT MO - UNANG SABAK. Isang proyekto ng mga bloggers na naglalayong damitan ang mga batang salat sa maaayos na tshirt.
  • KAILAN: Ang unang sabak ay gaganapin sa Pebrero 11, 2012, sa ika-14 sana pero naisip namin na baka may mga date kayo at maaring makahadlang sa inyong pagdalo. Isa pa ay may pasok nang araw na iyon.
  • SINO: Mga bloggers at hindi bloggers na nais maki-isa sa layunin ng proyekto.
  • SAAN: Ang unang sabak ay gaganapin sa Balagtas Plaza, Pandacan, Manila.
  • PAANO: 
    • BLOGGERS - Magdala lamang ng damit na may tatak ng inyong blog logo o blog title sa susunod na meet-up. Ang meet up ay gaganapin sa Pebrero 4, 2012 sa SM Mall of Asia (Greenwich). Sa mga hindi kayang magpagawa ng tshirt ay maari ring mga luma ngnit maaayos  na damit ang dalhin. Sa mga nais namang magpatatak pero walang oras, maari ay makipag-ugnayan lamang po sa amin.
    • HINDI BLOGGER PERO GUSTO RING MAKI-ISA - Maaari rin po kayong pumunta sa meet-up upang dalhin ang damit na nais ninyong ibahagi sa mga bata. Ngunit sana ay makipag-ugnayan muna po kayo sa amin. Narito ang mga numerong maaring tawagan. Tumatanggap rin mo kami ng perang donasyon. Makikita po ang account number at account name sa link kanina.
  • BAKIT: Isang maliit na tulong lamang po ito sa mga maliit na paksyon ng mga kabataang salat at walang saplot.
KONTI NA LANG. MGA 'TOL! SANA MAGTAGUMPAY TAYO.. 
PARA SA MGA BATA.

No comments:

Post a Comment