BMIM sa FB

Monday, February 13, 2012

IKATLONG PULONG : TULOY NA TULOY NA PO KAMI! OYEAH!

Noong sabado ay nagkita-kitang muli kami para pag-usapan ang mga magaganap sa Sabado. Nakatutuwa naman may nadagdag sa mga nakapunta. Si Jay Pee. Marami siyang naibigay na ideya. Buti at pumunta siya dahil sa totoo lamang ay hindi talaga namin maiisip na magpalaro at gumawa ng programa. Itenerary lang wala pa kami. 

MGA NAPAGUSAPAN SA HULING PULONG PARA SA UNANG SABAK.

Nagkaroong muli ng pagbabago sa araw ng pryekto dahil sa mahalagang mga dahilan ngunit di rin naman nagbago ang oras at lugar. Muli ay himihingi kami ng pasensiya dahil sa mga pagbabago.

Magkikita kita ang mga sasama sa kanto ng Pedro Gil at Taft. Sa ilalim ng LRT Staion sa ganap na alas otso ng umaga. Dalhin na lamang ng mga hahabol ang mga damit na nais nilang ipamigay sa mga bata mapa-bago o luma 'man ito. Sabay sabay po tayong pupunta sa Francisco Balagtas Park. Pagdating sa nasabing lugar ay susundin natin ang mga sumusunod.

...:|PROGRAMME|:...

  • Gathering of kids and stub giving
Pagdating sa Francisco Balagtas Park. Bibilangin at titipunin ang mga bata upang dalhin sa Linear Park. Masyado kasing pampubliko ang lugar, baka kuyugin tayo.
  • Inspirational Talk
Pagdating sa Linear Park, sisimulan ang programa sa isang makapagbag-damdaming mensahe na ibibigay ni Bb. Joleah. Inspirational talk na hindi ako sigurado kung maiintindihan na ng mga batang maisasama namin pero wala namang masama kung susubukan. Ito ay gagawin ni Bb. Joleah para magabayan ang mga batas sa tamang landas.
  • Parlor games (2-3 games) 
Magpapalaro. Gaya ng nabanggit saIlang simpleng laro na makikita sa mga childrens party. May premyo nga. Peksman.
  • Eating Time
Matapos ang palaro, siguradong pagod at nagugutom na sila. Kaya dapat lang na pakainin sila. Mahirap kasi ang pakiramdam ng gutom.
  • Distribution of shirts
Pagkatapos kumain ng mga bata ay ipamimigay na ang mga damit. Baka kasi madumihan nila kapag bago pa lang sila kumain ibigay. Puti pa naman yung karamihan sa mga damit.
  • Awarding of Prizes
Dahil may palaro at nangako kami ng papremyo. Dapat may awarding.
  • Picture Taking
Ito na ang huling bahagi. Para maitala at mailathala ang mga kaganapan. Ito ay upang malaman ng lahat na ang mga damit ay nakakarating sa mga bata at ang tulong na natatanggap namin mula sa inyo ay umaabot sa dapat na nitong puntahan.
...:|END|:...

Pagkatapos ng programa ay ihahatid natin silang muli sa Francisco Balagtas Park (mahirap na rin naman kasing makasuhan ng kidnaping) at magkakaroon ng kaunting pag-uusap tungkol sa susunod na proyekto. 

MGA TATALAKAYIN SA PULONG
  1. BOOK (Fund Raising Campaign)
  2. IKALAWANG SABAK
  3. Balakin at ideyang nais ninyong iparating sa amin.
  4. Mga suhestiyon na makakatulong sa proyekto.
  5. Mga bagay na hindi malinaw tungkol sa layunin ng proyekto o sa proyekto mismo etc.


Sa mga interesado pero iniisip na hindi pa kayang magbigay ng damit. Maari pa rin po kayong makiisa. Kailangan rin namin ng mga handang tumulong. Kontribusyon din po ang lakas gawa(manpower) na kailangang kailangan namin ngayon.


PARA SA MGA PUPUNTA AT MAKIKIISA SA UNANG SABAK NG PROYEKTO.

LUBOS ANG PASASALAMAT NAMIN AT NG PROYEKTO SA INYO. 

PARA SA MGA BATA!

2 comments:

  1. sayang at hindi ako makakasama sa gawaing ito :(

    ReplyDelete
  2. Kongrats naman sa mga organizers.

    Positibo ang pananaw ko dito. Lalago ito.

    :)

    ReplyDelete