BMIM sa FB

Sunday, December 23, 2012

BMIM sa Ikalimang Sabak - Pamaskong Handog

Bata palang ako lagi ng sinasabi ng nanay ko sakin na magpakabuti at maging masunuring bata lalo na kapag papalapit na ang pasko. Sa ganitong paraan daw kasi sinusukat ni Santa Claus ang bibigyan niya ng mga magagandang laruan. Kasama ang mga kaibigan niyang Reindeer, iniisa-isa nila ang mga bata para patago nilang aakyatin ang kanilang bahay at doon iiwan ang mga laruan na hiniling nila sa ilalim ng Christmas Tree. Natatandaan ko pa nga 'yung minsan tinanong ko sa nanay ko na: "Paano kung walang christmas tree?" at hanggang ngayon hindi pa 'din niya ako sinasagot.

"Give love on Christmas day",  "Ang pasko ay para sa mga bata", "It's better to give than to receive" at kung ano-ano pang tagline ang nauuso kapag pasko. Parang kakambal na talaga ata natin 'to. Hindi kumpleto ang pasko kapag walang ganitong mga tagline. Pagpasok palang ng "ber" months ay samot-sari ng ganito ang maririnig mo. Sa mga mall, kalye, school at iba pa. 'Yung iba ginagamit ito para sa kanilang business, marketing strategy kumbaga at 'yung iba sadyang nagpaparinig lang. Ha! Ewan! Hindi ko alam. Basta ako ang alam ko, ang pasko ay panahon para magpakabusog, wag isipin ang diet-diet na 'yan. Kumain ng marami. At ang pasko ay para sa mga bata at matatanda. Panahon ng bigayan at panahon para kalimutan kahit saglit ang problema. Enjoy guys! Enjoy lang ang christmas.

At ito na nga! Naganap na. Sa ikalimang pagkakataon ay sumabak ulit kami.


Sa Francisco Homes Brgy. Mulawin San Del Monte Bulacan dito naganap ang ikalimang sabak. Ang unang plano ng grupo na lumabas sa Metro Manila at nangyari na. Sa Bulacan namin unang sinabak ang totoong layunin ng grupo. Kasama ang ilan nating kaibigan, mga bata na nakiisa at aming sandatang tshirt na aming ipapamahagi. 

Hindi biro ang sabak na 'to. Maraming naging aberya bago magsimula ang sabak. May isang matandang lalaking nambabato samin. Dahil nga 'don muntikan na naming itigil o kaya lumipat ng lugar. Pero hindi kami nagpatinag. Nagsisimula palang kami. Ilang larong mula sa kaibigan natin, ilang minutong kulitan at saya. Nakakataba ng puso. 

Ito ang ilang mga batang nakiisa at nabahagian ng tshirt:





Ilang beses na namin sinabi 'to. Hindi pa ito ang huling sabak.

Maligayang Kapaskuhan sa inyo guys!





Tuesday, November 13, 2012

Christmas Sabak 2012 Meeting Updates:

When: December 09, 2012 (Sunday) 8am onwards.
Where: Blk 6 lot 21 Stallion, Francisco Homes, Brgy. Mulawin, San Jose Del Monte, Bulacan
Meeting Place: SM Fairview. (Tentative)
Who: All interested BMIMers / Bloggers / Civilians

What to bring?
  1. Sarili 
  2. Blogshirts na nais papamahagi (kung wala, pwede na yang manpower at moral support)
  3. Pamasahe at pocket money 
  4. Bimpo, pramis.
But wait there's more!

Kung may extra books at toys kayong pambata, pakidala na din.
Yung gusto ninyong ibahagi sa mga bata. Tutal yun naman yung common na pinapamigay kapag pasko tulad ng stuffed toys atbp.

Target no. of Kidaks: 60

Program:
  • Registration 
  • Gathering of kids 
  • Opening prayer 
  • Opening remarks 
  • Opening song 
  • Game 1 
  • Storytelling 
  • Game 2 
  • Game 3 
  • Distribution of shirts
  • Eating time
  • Picture taking 

I'll post the assignments pag may nagpm at nagconfirm ng mga pupunta. Should you have any questions or offer na help or kung may kulang man, just leave a comment here. Thanks!




Para sa mga Kidaks!

Tuesday, August 28, 2012

BMIM/SG Pinoy Bloggers - Sa Ikaapat na Sabak

Kamakailan lang ay nagbunyi ang buong dabarkads sa Eat Bulaga dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay meron isang tv show sa Pinas na pinranchise sa ibang bansa. Ang Eat Bulaga Indonesia. Teka! sila lang ba? Kami din uh!! ......

------

Nitong nagdaang sabado ay naganap ang ikaapat na sabak sa Quezon City. Hindi lang isa, dalawa o ang kinakatakot naming apat nung simula. Maraming nakiisa, nakilahok, sumama at nakipagbunuan kay haring araw mapaabot lamang ang konting tulong para sa ilang mga bata. At ang isa sa nakakatuwang katotohanan, mayroong isang grupo ng mga bloggers na naka destino sa Singapore ang nagpaabot ng malaking tulong sa BMIM. Sila ang gumastos sa ikaapat na sabak. Sila ang susi sa pinto nung sabado. Mas lalo naming napatunayang hindi kaya ng daan-daang milyang dagat para paglayuin ang Pinoy sa isa pang Pinoy. Katawan lamang ang magkalayo hindi ang puso. Distansya lang ang malayo, hindi ang puso.



Sa tulong nila, naging mas organisado ang ikaapat na sabak. Hindi namin mapaliwanag ang saya at ang pwede pa naming sabihing pasasalamat sa kanila, alam naming kahit gumawa kami ng bidyo ng "Call me Maybe" mapasaya man lang sila ay kulang pa din. Taos pusong sagad sa buto ang pasasalamat namin sa kanila. Nawa'y hindi sila magsawa na tulungan ang munting proyektong ito na naglalayong pasilipin sa ilang mga batang medyo kapos sa buhay na hindi hadlang ang kahirapan para magkaroon ng maayos na damit. 

Ilang beses ko na din nasabi nung una ay medyo kabado talaga kami, dahil hindi namin alam kung sa susunod na sabak ay may makikiisa pa at kung saan ito tutungo. Para kaming nagluto ng isang putaheng nilako sa daan pero walang pumapansin. Parang karenderyang maraming promo pero wala pa ding nakain. Ganon kami kakabado. Pero dahil na din sa tulong ng ating mga kaibigan sa mundo ng blogspot at wordpress, kumalat ang balita. Bumenta ang putaheng hindi nabibili at binalik-balikan ng mga suki sa karenderya ang masasarap na lutuin. Salamat sa umayos, umaayos at aayos pa sa bawat sabak.

Sa grupo ng SG Bloggers, hayaan niyong iparamdam namin sa inyo ang mumunting pasasalamat. Antayin niyo sa hangin ang masigabo at mahigpit naming yakap. Yakap ng bawat miyembro at ng mga batang natulungan niyo. Maraming salamat guys..

Andito sila..


 


Ito din ang ilang nakiisa at makikiisa pa.



Hanggang sa susunod na sabak. Hanggang sa susunod na yapak!

-----

Gusto mo makiisa? Click mo ung nasa baba!

Para sa ngiti.

- JayPee

http://blogmoipasuotmo.tk/
http://www.facebook.com/blogmoipasuotmo

**Related posts:

http://tksalaulasatinta.blogspot.com/2012/08/blog-mo-ipasuot-mo-4th-sabak-solb.html
http://heavenknowsmj.blogspot.com/2012/08/bmim-ika-apat-na-sabak.html
http://otep.wordpress.com/2012/08/28/bmims-4th-sabak-joyride/
http://pabloquaderno.wordpress.com/2012/09/17/blog-mo-ipasuot-mo-oha-pang-apat-na-2/

Sunday, July 1, 2012

BMIM: ANG PANGATLONG SABAK

sa lahat ng mga bumubuo ng "Blog Mo, Ipasuot Mo", sa mga nakiisa sa sabak, sa mga hindi nakadalo pero nagpabaon ng mga dalangin, sa lahat ng mga gustong sumama pero walang pagkakataon, sa lahat ng mga taong maaabot ng post na ito, sa lahat ng mga grupong may mabubuting adhikain sa ikagaganda at ikaaayos ng lahat, sa lahat ng mga bloggers, sa lahat ng mga bata, at sa lahat ng mga Pilipino..

mga kaibigan, ang Pangatlong Sabak:



muli, ipinapaabot namin ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa BMIM.. kung wala kayo, wala rin kami.

para sa mga bata!

- jh alms

*****
Related Posts:
http://theindependentstar.blogspot.com/2012/07/random-post-bmims-3rd-encounter.html
http://periodonpururut.tumblr.com/post/26273818910/bmim-ikatlong-sabak
http://heavenknowsmj.blogspot.com/2012/07/bmim-ikatlong-sabak.html
http://tksalaulasatinta.blogspot.com/2012/07/bmim-ang-pangatlong-sabak.html
http://litratongjoeyvelunta.blogspot.com/2012/07/bmim-sa-pangatlong-sabak.html

Wednesday, June 13, 2012

BMIM MEETING PARA SA PANGATLONG SABAK

Petsa ng Pangatlong Sabak: June 30, 2012
Oras: 10am ang Sabak.
Meeting Place: 6am - 7am magkikita-kita sa Alabang
Venue ng Pangatlong Sabak: City Homes, Dasmarinas, Cavite



Programme:
- Meetup sa meeting place (Alabang)
- Set Up (Pagdating ng Cavite)
- Gathering ng kids
- Opening remarks
- Games / Awarding
- Kainan
- Distribution of shirts
- Picture Taking





Friday, May 25, 2012

Blog Mo, Ipasuot Mo: Part 2

BMIM's Second Encounter.
April 21, 2012

It took me a long time to overcome the overwhelming feeling of being a part of the BMIM project. This second encounter was a lot different than the first one. The place, the kids, the situation itself. All of us has no idea of how many kids are there, what kind of place we are gonna go, and what kind of people we are going to encounter. I even had this "I want to survive this immediately" feeling. 

There were a lot of unexpected things happened that day. First was the number of bloggers who attended the event. All we thought was that those people who attended the general meeting plus those who excused themselves are the only people who we're gonna see that day. Personally, I expected only like 8 or 9 of us but on the day of the event, there were 13!! A lot of hands and brains to help and support the project. After packing the shirts sponsored by Sir Joel ("bulakbolero"; we really want to thank him for choosing BMIM to take part in celebrating his blog anniversary), fixing and waiting for others to come.  All geared up and ready for battle, we headed to Araneta Avenue and started our mission. Being the spokesperson of the group, since I was the one who suggested that venue but not been able to prepare the exact place, I was so nervous and a little anxious thinking that the people around won't accept our purpose or would find it hard to entertain us due to some unexplainable matters. As I approach two mothers standing in front of a sari-sari store, and asked them "ate, may mga bata po ba dito?", there was this awkward feeling that there are a loooot of kids waiting for us. And as expected, yeah, I was right. We were lunged by a bunch of kids and we almost panicked asking ourselves what are we going to do. We were given an OPEN basketball court, and it was so hot that we almost got burned. But we ignored the summer heat like "Hello SUUUN! We're still going to continue no matter what happen!!"


We planned for a short time regarding the food and the registration, good thing the Purok Leader was there to help us out regarding the food and on how are we gonna cook something for the kids. Then, we started the activity by listing the name of the kids from ages 7-12 years old. After collecting their names, I immediately called the attention of the kids that are 8-12 years old and started some relay games. The first game was the "softdrink bottle-straw race." Followed by a game called "the tomato race". As the kids ignored the bursting heat of the sun, so as the blogger ate's and kuya's helping them all throughout as marshals of the games. There was even this game called "The boat is sinking" (that we did in tagalog version because one of the kids shouted at me saying: "ate! tagalugin mo! di namin maintindihan!") stampede edition."


A lot of things happened during the games. We didn't expect that those kids will stand the heat, despite the fact that it's already 11am and the sun's getting hotter and hotter and we don't have anything to hid on except this small space with a billiard table covered with a tarp. Such strong kids. :))

We've ran out of games and the food is not yet cooked. So since Ate Mads, Sir Kuli and Yvette bought some papers, notebooks, crayons, pencils, and sharpeners, which I can't decide whether I will use it as a prize for the games (coz I'm scared some might get jealous of the prize), I've decided to make an activity for the kids to think about and enjoy a little more.

I asked them if they have "dreams/goals in life."

And they said, "YES!"

So I gave them a pencil and a paper and asked them to draw or write their dreams and goals in life. What they want to achieve and all.





We were so glad that the kids were able to share even a portion of their knowledge to us. Some even wrote "thank you" messages to us. Heartmelting, yeah.

While waiting for the food to be served, the kids were given the shirts. Those listed on the registration happily received their simple presents from the BMIMers. Those who were not able to receive shirts (cause the shirts were not enough for the kids) received enough food to fill their tummies. We were also happy to receive our own shirts from Sir Joel. :))





It was indeed a tiring day. But we were able to give happiness not only to the kids but also to the parents of the kids who appreciated our little help. They were so thankful but we were more thankful for the people who helped us.

More "sabaks" to come guys!
More power to Blog Mo Ipasuot Mo project!!
FOR THE KIDS!


“A child needs both to be hugged and unhugged. The hug lets her know she is valuable. The unhug lets her know that she is viable. If you’re always shoving your child away, they will cling to you for love. If you’re always holding them closer, they will cling to you for fear."


- Billy Graham


Please go to our Facebook page to see the pictures taken from the event.

Related posts:

Thursday, April 12, 2012

BMIM Ikalawang Sabak: Pulong para sa blog birthday ni Bulakbolero

Bilang paghahanda sa ikalawang pagsabak ng Blog Mo Ipasuot Mo Project ay nagkita-kitang muli kami para pag-usapan ang mga kailangang gawin at mga dapat asahan sa araw ng sabak. Sabado at mahal na araw, gaya ng dati ay huli na naman ang inyong likod na dumating. Nakarating ang lahat ng nagsabing makapupunta. Naroon si Joleah, Lovely, Kimio, at Julyan. Sabay kaming dumating ni Jesse(JH Alms). Naging magaan naman ang usapan, sa sobrang gaan parang nagkulitan lang kami. 

Ang mga napagkasunduan ay ang mga sumusunod.

Petsa ng Ikalawang Sabak: April 21, 2012 Saturday 8:30am
Lugar na Pagdarausan: Araneta Ave. QC
Tagpuan: SM Sta.Mesa 8:00am onwards (since sarado pa yung mall ng ganun kaaga, sa may entrance na lang tayo maghintayan, maluwag naman dun eh)

PROGRAMME
  1. Gathering ng mga sasama sa project (pwede ulet sumama kahit walang ambag, pwede naman tumulong sa manpower)
  2. Gathering ng Kids sa lugar (sa Araneta Ave. may hall dun na pwedeng paipunan ng mga bata)
  3. Order ng food - depende sa dami ng bata pero maximum na yung 50 kids dahil yun yung estimated number ng shirts)
  4. Opening Remarks / Inspirational Talk 
  5. Games with prizes
  6. Distribution of Shirts
  7. Eating Time
  8. Picture Taking
ILANG EKSENA SA PULONG

Nakakatuwang isipin na dumarami ang interesado sa proyektong dati'y akala namin ay magiging pangsariling gawain lamang. Nagiging kapanapanabik na ang bawat sabak namin sa proyektong ito. Balita ko nga marami-rami na ang dadalo. Marami na ang nagnanais makapagpaligaya ng mga bata sa kahit ilang oras lamang. Nakakatuwa at nakakagalak. Masaya na, nakapagpasaya ka pa. Tapos magkakaroon ka pa ng mga bagong kaibigan. Ang saya di ba? Edi, papaano na? Kitakits na lang! Sana makadalo ka rin.

MGA LARAWAN



Saturday, February 25, 2012

BMIM: Unang Sabak

Nagsimula lahat sa isang ideya. Binuo, hinulma, nilagay sa plato ng pagpupursigi para maging posible na mangyari. Naghanap ng ilang taong pwede pang mahikayat sa binabalak na proyekto. Gumawa ng samut-saring paraan para magkaroon ng komunikasyon. Sa tulong na din ng Facebook at iba pang social-networking sites sa internet, nagkaroon ng ilang taong interesado. Naging maganda ang batuhan ng ideya, ipinupukol sa proyekto ang bawat salita ng mga nais sumali. Parang nagkaroon ng biglaang pagbukas ng tindahan na naging interesado ang lahat dahil sa kakaibang tinda nito. Hanggang lumipas ang ilang buwan. Maraming oras ang nagdaan. Ang mga naging interesado sa tinda namin nung unang buwan ng paglahad ng proyekto, unti-unting nalimas habang dumadaan ang araw. Pero ganon pa man, hindi ito naging hadlang para maging pader na haharang sa rumaragasa naming adhikain. Ang makatulong sa mga bata sa pamamagitan ng pagbibigay ng maayos na damit. At sa wakas, nitong buwan naganap na ang unang sabak.


February 19, 2012, araw ng Linggo. Alas otso ng umaga. Habang ang ibang mga tao ay nagsisimula pa lang salubungin ang init ng araw, ang iba ay nagsisimula pa lang maligo para magsimba at ang iba naman ay inaalmusal na ang salita ng diyos sa simbahan. Nagkita-kita na ang mga sasali sa proyekto. Sa una ay akala namin apat lang kami. Dahil nung huling meeting na ginawa bago ang Unang Sabak ay aapat lang kaming pumunta. Pero laking gulat namin nung may tatlong tao pang dumagdag sa amin. Naging saksi ang pinakasikat na payaso sa buong mundo (McDonalds) dahil doon namin napagdesisyonang magkita-kita.

Sa Pandacan ang unang lugar. Dito kasi minungkahi ng isang miyembro na gawin ang unang sabak. Marami daw kasing bata dito na medyo kapos sa maaayos na damit. Matinding kaba ang nabubuhay sa kalooban namin. Ilang libong daga ang tumatakbo sa aming dibdib.

Alas diyes ng makumpleto ang grupo. Dalawang oras na paghihintay. Nagsimula na kaming ayusin ang mga bala para sa susuguran naming giyera. Ang mas nakakakaba lang, tanging bala lang ang dala namin. Kung may taktika man para maipanalo ang giyera para maging positibo ang kahihinatnan, hindi ganon katalas. Kumbaga sa sundalo, mga baguhan pa lang kami. Kumbaga sa preso, bagong salta pa lang. Wala pa kaming tattoo at hindi pa kami kalbo.

Nilagay sa bawat supot na may kasamang kaunting candy, ang mga damit. Alam naming hindi kumpleto ang pagiging bata ng isang bata kung hindi sila mapapangiti ng candy. Kaya bukod sa t-shirt ay may kasamang candy ang ipamimigay namin. Ang napaghandaan lang naming tshirt ay kulang-kulang 20 piraso. May sobra kaming 15 piraso para sa emergency. Baka sakaling dumugin kami ng mga bata. Mapagkamalan kaming mga artista.

Makalipas ang ilang minuto, nagsimula nang lumakad ang grupo. Dala-dala ang mga damit at kaba namin, nilakbay na namin ang Pandacan Manila mula sa Pedro Gil. Sakay ng jeep, bayad ng pamasahe, hinga ng malalim. Naglalaro na sa isip namin ang mga pwedeng mangyari mamaya.

  * pwedeng wala kaming abutan na mga bata.
  * pwedeng umulan ng malakas.
  * pwedeng pagkaguluhan kami dahil mukha talaga kaming artista.

Ilan lang 'yan sa mga naiisip namin habang nasa jeep. Hanggang makarating na kami sa destinasyon. Pagbaba namin, wala kaming nakitang bata. Lalong lumikot ang mga daga namin sa dibdib. Matinding kaba. Salamat nalang kami dahil may alam pa daw na lugar ang isang kasama namin na pwedeng hide-out ng mga bata. Isang park na hindi gaanong kalayuan sa unang venue namin.

Tinungo na namin ang park. Wala pa ring bata. Naglakad pa kami ng konti hanggang makakita kami ng iilang mga batang naglalaro ng volleyball. Dalawa sa kasama namin ang nagtawag sa kanila. Sa una, medyo mahirap silang hikayatin. Mukhang mali ang nasa isip ko na pagkakaguluhan kami. Mukhang ayaw nilang maniwala na mabubuti kaming tao. 'Yung ibang bata akala na estudyante pa kami at requirements lang daw ang gagawin namin para makagraduate.

Pero hindi naman sila ganoon kahirap kumbinsihin. Gamit ang makamandag na karisma ng kasama namin, napapayag nilang sumali ang mga bata sa maikling proyektong gagawin namin. Napaniwala din nami sila na hindi kami isang grupo ng sindikatong kikidnap sa kanila at ikakalat sa kalye ng Manila para gawing palaboy at pulubi para mamalimos.

Nang matipon na ang mga bata, nagsimula na ang programa.

Konting pahapyaw sa mga bata:


- Ilan lang sila sa mga batang nakiisa samin -

Nagkaroon din ng koting palaro para sa kanila. Larong pambatang pinoy ang naisip naming ipalaro. Tamaang tao. Simple lang ang rules, pag ikaw ang taya ikaw ang magbabato ng bola sa kalaban. Dapat tamaan mo sila para maalis sa laro. Ang grupong may pinakamaraming kakampi na natira, sa loob ng dalawang minuto, ang mananalo.


         

         

- Larong Tamaang Tao -

Nanalo dito ang grupo ng mga 8-10 years old. 

Ikalawang laro ay ang laging pinapalaro sa mga bata tuwing may birthday party. The Boat is Sinking. Simple lang din ang rules dito. Dapat maggrupo ng mga kasali kung anong number ang sinabi ng nagpapalaro. Halimbawa, "The boat is sinking, group yourselves into 8". Dapat walo ang bilang ng mga bata sa isang grupo. Ang kasaling walang grupo, tanggal sa laro. Pwede ring magyakapan dito. -- ng mahigpit.



- Sabi sa inyo e, pwedeng magyakapan -

Medyo konti lang ang oras na binigay sa amin ni Manong Guard, kaya pagkatapos ng laro nagsimula na kaming magbigay ng mga t-shirt sa kanila.


   


        


- Ang mga dumalo sa unang sabak -

Maraming bata ang hindi naabutan ng t-shirt. Hindi namin inaasahan na dudumugin kami ng mga bata. Bukod kasi sa unang nagpunta samin, may ilang mga bata pa ang dumagdag habang tumatakbo na ang laro. Kaya hindi namin nabigyan lahat ng batang naroon. Kung sakaling mabasa man nila 'to, lubos kaming humihingi ng pasensya kung hindi kayo nabigyan. Hindi pa naman ito ang huli. Nagsisimula pa lang kami.

Pagkatapos ng pamimigay at habang inaantay namin ang inorder na pagkain, nagpicture-picture muna kami. Kasama ang mga may akda sa bawat logong nakatatak sa t-shirt, nagpakuha kami kasama ang mga bata.



- The Karakas, Pablo Quaderno, Sabi ng Mamako, Periodonpururut -
.tumblr.com

Nagpakuha din kami kasama ang lahat ng mga batang nabigyan.



- Kabuuan ng mga batang nabigyan -

Pagkatapos ng bigayan at palaro, syempre hindi mawawala ang konting pagkain para sa mga bata. Sinimulan na namin ang pila para maging maayos ang bigayan ng pagkain. At nakakatuwang isipin, sinunod naman kami ng mga bata. Maayos silang pumila at masaya nilang kinain ang binigay namin.



- Masayang pagkain ng mga bata -


- Syempre, hindi mawawala ang dasal bago kumain -


Ilang minuto lang ang itinagal ng kainan. Maraming natirang pagkain kaya minabuti na naming ibigay na lang ito sa ilang mga batang hindi naabutan ng mga damit. At masaya naman nilang tinanggap ang binigay namin.

Sa unang sabak, hindi inaasahan ng grupo na magiging ganito ang kalalabasan. Ang inaakala naming 20 bata lang, pero umabot ng mahigit sa inaasahang bilang ang dami ng mga bata. Nakakapagod pero nakakatuwa. Bilad man kami sa init pero masaya. At naisip naming isa sa pinakamagandang parte ng buhay natin ay ang minsan tayong naging bata. Dahil dito, hindi kaplastikan ang ngiting binibigay natin. Konting ngiti na taos at di maikukubling mula sa puso.


- Jump shot -

"Hindi pa ito ang huli, nagsisimula palang kami....."

____

Ito pa ang ilan sa mga larawan, mula sa Unang Sabak.




_________________________________________________

Malaya kayong bisitahin ang mga sumusunod. 

Sa facebook account niyo din makikita ang kabuuwan ng mga picture.